Thursday, January 17, 2013

HOLDAP



Napakataas ng crime rate dito sa Pinas. Pinakamalala ay ang holdap.
Di na ako magbibigay ng statistics since hindi naman yun ang kabuuan ng topic na to.

Yung mga tao daw kasi dito satin, laid back. Ibig sabihin, walang gawa. Nganga. Bored.
So, yung ibang gustong magpaka-busy, gumagawa nalang ng krimen, since wala namang naiooffer na trabaho sa kanila, gustuhin man nilang isama yun sa kanilang mga option.
Sad to say, isa ako sa napagkabusyhan nila.
Ewan ko ba. Lapitin ako ng ganitong klaseng disgrasya.
Dahil ba sa ako'y babae? Makinis? Busilak? Maganda? Mahina?

Sabi ko nga sa katrabaho ko, dalawang bagay lang ang dahilan kung bakit ka mahoholdap, either dahil mukha kang mayaman or mukha kang tanga.
So, kung naholdap ka na, manalamin at tanungin ang sarili "Alin ako sa dalawa?"

Anyway, share ko lang yung pinakamalalang holdap na napagdaanan ko.
Dahil sa ginamit ko ang salitang "pinakamalala", imaginin nyo na lang kung gaano na kadaming holdapan ang naranasan ko.
Huwag mo ng itanong kung "Alin ako sa dalawa?". Huwag epal.

Kung sinuman ang nakatira sa inyo sa may Aurora Blvd, malapit sa Gilmore, ibayong pag-iingat sapagkat dun ako malalang naholdap.
Mabilis ang mga pangyayari. Mas mabilis pa sa pagkawala ng virginity ko.

Nagwithdraw ako sa ATM ng iBank (now Unionbank) mga alas nuwebe ng gabi bago pumasok ng trabaho since ito ang pinakamalapit na iBank sa bahay namin.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng ATM booth ay bigla akong inakbayan ng dalawang matitipunong lalaki.
Sa isip-isip ko, "Syet! this is my lucky day!"
Pero nawala ang napakatamis kong ngiti ng pumuwesto sa likod ko ang isa at nagdeklara ng holdap.
"Huwag ka ng pumalag, holdap to." Ansabee.
Habang mabusising kinakapkapan naman ng isa ang katawang lupa ko.
Kapa sa harap, pababa. Kapa sa tshirt. Kapa sa short. Sa likod. Tapos pababa ulit.
Kung pwede lang humalinghing, kung hindi lang sana nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko.

Kahit gaano pa kadaming libro ang mabasa mo at mga seminar na mapuntahan mo tungkol sa tamang reaksyon sa gitna ng sakuna at krimen, ang mananaig pa ding reaksyon ay depende sa personalidad mo.

At dahil ako'y isang mayumi at dalagang Filipina, lumabas ang natural na reaksyon ko, nakipag-umbagan at nakipagtalakan ako!
Ito ang mga katagang nasabi ko sa kanila. Or to that effect. 
Anuba!!! Huwag nyo kong holdapin!  or Huwag ako ang holdapin nyo!
Ang lalaki ng katawan nyo, mga lalaki pa man din kayo...tapos hoholdapin nyo ang isang babaeng petite at mahinang katulad ko?
Tatandaan ko ang mga mukha nyo! Ipapa-IMBESTIGADOR ko kayo.
Pulis tatay ko. At may mga kamag-anak akong NBI. Mahuhuli kayo!

Nang mapagod ako sa katatalak, sinubukan kong magpakahinahon at makiusap.
Naku naman Kuya, hiniram ko lang din ang cellphone na yan, sim card lang sakin dyan, kaya kung gusto mo sim card nalang kunin mo.
Kuya maawa kayo, may cancer ako, pampagamot ko ang perang yan.
Si Kuya napatingin lang na may halong "weh?" nong sinabi kong may cancer ako, dahil nga naman mas malusog pa ako sa healthy. In short, hindi ako payat.

Nakipag-agawan at nakipagbalyahan ako sa pouch kong singlaki ng maleta.
At dun ko naramdamang may kumalabit sa internal organs ko.
Not once. But thrice!!!
Wala akong naramdaman na kakaiba so tuloy-tuloy lang ang balyahan.

Next scene, nakita ko nalang silang papalayo at kalmadong naglalakad though mas mabilis sa normal na lakad pero hindi naman tumatakbo.
Hindi ako nagpatalo, hinabol ko din sila. Habang patuloy pa rin akong tumatalak.
Ibalik nyo yang bag ko sa akin!
Namumukhaan ko kayo!
Magkakaprobinsya tayo, wag naman ako ang  kataluhin nyo!

Unti-unti, nahirapan akong habulin sila dahil madulas ang tsinelas ko.
Wait a minute! Bakit madulas ang tsinelas ko? At bakit sya basa? Naihi ba ako sa kaba at galit?
Napatingin ako sa tsinelas ko. Dugo. Napadaming dugo!
Napasigaw ako sa dalawang lalaking nasa unahan kong naglalakad.
HALA! Sinaksak nyo ako?!? HOY! Bakit nyo ako sinaksak??

Ampucha! Sinaksak pala ako ng ice pick sa likod ng hindi ko man lang namamalayan.
Not once. But thrice!!!
Ouchieeee!!!
Napalingon ako sa damit ko. Punong puno din ito ng dugo.
Saka lang ako nanghina at natakot na baka balikan ako at saksakin sa gums this time since andami kong pinagsasabi.


MAY KARUGTONG PA.

Wednesday, January 2, 2013

Sabay Nating Abutin Ang Langit


Maraming salamat kaibigan (wickedmouth) sa paglathala ng hilaw at maiksing version ng blog ko (Sabay Nating Abutin Ang Langit) sa iyong page. Nakakaaliw yung mga comments. Dami mong followers ah. Yung level mo parekoy, lagpas na sa height mo! LOL. Anyway, ito na yung medyo mahabang version nong blog though di pa rin sya kumpleto. Sana magustuhan mo.



Bago basahin ang artikulong ito, gusto ko lang magbigay ng maiksing "disclaimer" na ang mga nakasulat dito ay hindi gabay upang  maging maayos ang kasalukuyang estado ng iyong sekswal na buhay kung meron man itong pinagdaraanan. Gusto ko lang mapag-usapan ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi lahat ay nakararating sa dapat patunguhan (bago, habang at pagkatapos ng ganap). Ito'y bunga lamang ng naiinip ng malayang kaisipan habang nganga sa trabaho. Kung isa sa mga nabanggit dito ay nakagawian mo na at malamang ay kinagigiliwan, mag isip isip (ng isa, dalawa, tatlo), iwasan o baguhin ang pamamaraan...paraan na harinawa'y di mo makikita sa listahang ito.

Patok ang 50 Shades of Grey. Di ko maisip kung bakit kasi salungat ito sa nasasaad sa kasalukuyang statistics na 80% ng kababaihan ay pinepeke ang orgasm during intercourse. "Ows?" Di ka makapaniwala Kuya? Masaklap pero totoo. Nagtanong tanong ako sa aking mga kaibigan, kakilala at syempre base na rin sa sarili kong karanasan, (though, din naman sya ganun kalawak) kung bakit nga ba nangyayari ito at narito ang ilan sa mga nakalap kong kadahilanan.


CINDERELLA STORY.
Ito yung akala mo may curfew at may hinahabol na deadline si Kuya. Madalian. Mabilisan. Daglian. Kuya, ang lahat ng bagay ay may angkop na proseso at kung di pa nasabi sayo, ang  halik o paghahalikan ang syang panimulang hakbang upang maikondisyon ko ang aking sarili. Pero kung parang si Cinderella ay may hinahabol kang oras, gawin ang ganap kung maluwag na ang schedule. Handa akong mag-adjust!

BLOWING BUBBLES.
Aminin mo Kuya, napanood mo ang eksenang ito sa mga porn movies di ba? Ang eksena, hinihipan ng lalaki yung tenga ng babae at yung babae humalinghing na parang natadyakan ng kabayo sa panga. Tapos feeling mo, swak din sa totoong buhay. Pwede nga naman, pero may malaking kaibahan ang pag-ihip ng hangin na nakaka-eksayt versus pagbuga ng hangin na parang nagpapatay ng kandila sa cake tuwing bertdey mo. Ikakawarak ito ng eardrums ko!

HINDI PAG-AAHIT.
Okay lang kung hindi nakapag-ahit pero para namang nananadya, walang humpay ka kung makakiskis. Walang nakakatuwa sa itsura kong animo’y na-higad.

PAG-IBABAW NG SAMPUNG TAON.
Okay lang na ako yung nasa ibabaw. Pero ang hindi okay, yung tipong kung kabayo lang sinakyan ko, halos nagalugad ko na ang Calabarzon at Tagum (back and forth) pero ayaw mo pa din akong patigilin. Habang ikaw Kuya ay maginhawang nakatihaya at umaalulong. Sa mga ganitong pagkakataon, kapag napansin mong halos nagkukukulay asul na ako sa ibabaw mo, magkusang tumulong. At higit sa lahat, bigyan ako ng chance na huminga.

PAGPISIL.
Nakakaeksayt magpahimas ng dibdib pero hindi kailanman kung sobrang higpit. Yung iba kasi parang naghahanap ng balumbalunan at apdo. Kuya, konting konti nalang, makakalas na nipples ko.

DODING DAGA.
Bakit nga ba masyadong attached ang mga lalaki sa nipples ng mga babae? Parang gusto pa atang higupin kaluluwa ko sa pamamagitan ng pagsipsip sa nipples. Minsan, parang si Doding daga, may gatngat pang kasama. Kuya, ang nipples ay hindi dinisenyo para isiksik sa iyong gums at nguyain.

PAGPIHIT.
Hindi din nakakatuwa yung pinipihit-pihit yung nipples na parang naghahanap ng matinong istasyon ng radyo sa isang masukal at magubat na lugar.

PAGDAGAN.
In general Kuya, mas mabigat ka kesa sakin, kaya huwag basta basta pumatong na walang suporta. Ikalalagot ko yun ng hininga.

CURACHA (Ang babaeng walang pahinga).
Ang ganap na walang humpay ay sa pelikula lamang nakakaaliw panoorin. Sa pelikula kasi, may tinatawag na cut at edit. Kaya kung napapanood mo man ito ng tuloy tuloy, malamang sa malamang tatlong buwan nila itong shinoot. Huwag mong isummarize ng tatlong oras sa totoong buhay. May mga salitang nailathala katulad ng pagkangalay, pagkapagod, panghihina, paghingal at paglupaypay. Bigyan kami ng karapatang magpahinga.

HUWAG KUMUHA NG IDEYA SA PORN MOVIES.
Malaki ang kaibahan ng nakikita mo sa x-rated movies kumpara sa kasalukuyang ganap. Sa x-rated movies kasi, tila patok sa babae kapag binubuhos sa kanila ang sukdulan ni Kuya. Pero sa totoong buhay, yung mga dagdag labahin lang ang naiisip ko kapag ginagawa mo yan.

POSISYON.
Huwag ipagpilitan yung pwestong gusto mo na parang may advance lesson ako ng gymnastics. Yang pwestong gusto mo, ikahihiwalay yan ng hipbone ko at ikadudurog ng cartilage ko.

MARKADO.
Okay lang ang sipsipan during the deed. Nakakaaliw at some point, kung mahinahon ang pagkakagawa. Uulitin ko, MAHINAHON. Kasi, wala ng nakakahiya pa kung 1 week akong naka-turtleneck habang nakadeclare ang El NiƱo sa bansa.

MUNTING SORPRESA.
Surprise.....gamit na condom!!!  Hala naman, ginamit mo, itapon mo.

BREAK TIME.
Sobrang laki ng pagkakaiba natin pagdating sa ganap. Okay lang sayo ang maistorbo. Kung may narinig kang nagpapa-ending, tayo ka, taya ng ending tapos itutuloy mo pa din ang mga bagay bagay kung saang parte ka man nagpagambala. Habang ako (or kaming mga babae in general), once na nadistract, bumubulusok pabalik sa step 1. Kaya Kuya, tiyakin na ang konsentrasyon ko buong buong nasa iyo at wala sa bill ng Meralco.

HUBARAN NG MAAYOS.
Ayaw na ayaw ko yung nagmumukhang tanga sa harap ng iba. Pero mas may tatanga pa ba sa itsura ng na-stuck na blouse sa pagitan ng aking ulo at sa nakataas na mga kamay habang wala nang saplot ang pang-ibaba? Iwasang magmukhang tanga. Maghubaran tayo ng maayos.

ITULAK AT HILAHIN.
Paghimas at pagkapa habang suot ang panty…thumbs up! Paghila, paghiklat at paghatak ng panty habang suot suot ko ito…thumbs down! Gasgas po at pamamaga ng pechay ang katumbas nito.

PAGHAMPAS.
Iwasan mong ihampas ng malakas ang iyong triangular hipbones sa aking marupok na katawan kapag naeeksayt. Pwede itong ikadurog ng aking sternum, ribs, pelvis, sacrum, femur, carpals, fibula, clavicle o tibia. In short, ilang araw akong paika-ika sa inarte mong ganyan.

MASAHE.
Ang masahe ay nakaka-relaks at nakakapagkondisyon ng sarili. Sa pagmamasahe, pag gamit ang kamay at daliri, ang tawag dun foreplay. Pag gamit ang mga siko at tuhod, ang tawag dun krimen.

INGAY.
Sa kasalukuyan, aabot sa 105,435 ang populasyon ng ating barangay. Huwag mo nang subukang ipaalam sa kanila kung anuman ang ginagawa natin. Iwasan ang pag-ungol na parang nakamegaphone.

MARATHON MAN.
Hindi kailanman nakaka-Derek Ramsay yung pagmatagalang paghahump at hindi pagkaclimax sa tamang panahon. Ito ay pagpapahiwatig ng isang manhid na pechay. Magsabit ng nakakaaliw at kakaibang mga paintings sa kisame at dingding ng may pagkaabalahan ako sa susunod na maisipan mong mag-Marathon.

DIRTY TALK.
Tigilan mo yang pagmumura, papatulan kita!

LASTIKMAN.
Kandabuhol ang pangbaba kong suot sa kamay at mga daliri mo. Iwasang maging agresibo kung di naman praktisado.

PAGNGUDNGOD.
Kung meron gustong ipagawa, kausapin ako ng mahinahon at maayos. Iwasan ang pagngudngod ng mukha ko dahil laging tumama yung titi mo sa eyeball ko. Tatlong ngudngod nalang, magpapa-LASIK na ko sa American Eye Institute at nakakahiya pag naitanong kung anong ikinabulag ko.

HUWAG MAGTANONG.
Magconcentrate sa ginagawa. Tantanan ang pagtatanong kung ok ba ako at kung ano ang nararamdaman ko. Maggiguest ako sa OPRAH kung gusto kong maglabas ng saloobin.

ARTSY.
Paganahin ang imahinasyon.  Aliw din na minsan artsy yung trip natin. Swak gamitin yung honey, gulay, yelo, balahibo at prutas. Pero wag na wag ang durian, latigo, apoy, hot wax, watusi, mga insekto, ahas, permanent dye, karayom at kung anu ano pang sharp objects.

HUWAG SUMIGAW.
Huwag mo kong sigawan na para bang may training tayo ng ROTC. Napalitan na sya ng NSTP.


Mahaba na pala yung listahan ko at madami dami na din tong tips ko. Baka iniisip nyo, ganito din ba kadami at kahaba ang karanasan ng babaeng ito? On the contrary, konting konti lang. At dahil nga bilang lang, tandang tanda ko ang bawat eksena.

Huwag kalimutang mag-iwan ng komento.

Hanggang sa muli.

Friday, December 28, 2012

PANLASANG PINOY


Ang weird ng taste ng pinoy pagdating sa showbiz.

Sa dinami dami ng artista, limang katangian lang ang alam nating taglay nilang lahat.

Si (pangalan ng artista) ay:
1.       bakla
2.       malaki t*t*
3.       alcoholic
4.       lulong sa droga
5.       pamigay pekpek

Dati meron pang pang-anim, yung DOM o sponsorship, kaso nong may nabuking at nagpatotoo, nawalan tayong lahat ng gana. Ang pinoy kasi mahilig sa hiwaga. Gustong gusto natin yung mga impormasyong pasang-dila lang.

  • ·         Kapitbahay  yan ng tita ko dati. Ladlad talaga. Bading na bading. As in!
  • ·         Alcoholic ngaaa! Walang eme. Promise. Sinabi sakin nong dati nyang PA, na ex-jowa ko.
  • ·         And so on, and so forth. Puro kwentong konek pekpek.


Ito pa yung mga karagdagang kaweirduhan sa showbiz.


Jericho Rosales. “He that increaseth girlfriend, increaseth English.”





Heart Evangalista. Pagkatapos ng report sa mga namatay sa Compostela Valley, switch ang news sa kasalukuyang lablayp ni Heart. 300 deaths versus kangkangan with Chiz. Sambahin ang naka imbento ng remote!!!


Kris Aquino. Kilig na kilig tayo sa mga pelikulang kandautal magsalita si Tetay habang duguan at may tatlumpung walong saksak, plus lasog na katawan dahil sa pagkakahulog sa bangin, at may wasak na matris dahil sa pagkakagahasa ng walong lalaki. Standing ovation pagkatapos ng movie. Lahat ng nanood, hindi magkamayaw sa tuwa. Sa uulitin.











Wait lang....work muna ako.

Thursday, December 20, 2012

Max's


"Gaano katharap ang pangarap?
Mahalaga ang tamang pagthithimula.
Konting tyaga...marami kang makikilala.
Pag magpurthige ka, uulanin ka ng maraming grathya.
Tapoth....darating yung pinaka-love mo.
Yung pinangarap mo....ang tharaap!
Tha huli, matitikman mo ang tamith.
Yan ang kwento ko....at ng MAKTH.
Marami pa kong kwento. 
Abangan ninyo ha?"

Usapang EPAL

(Base sa totoong buhay.)



Sa isang restaurant...

Customer: (Irita) Kanina pa yung order ko! Hanggang ngayon wala pa din! Balak nyo ba akong gutumin at pag antayin magdamag??

Waiter: Ay hindi po. Nine po kasi kami magsasara.



-=Yes?!=-


Wednesday, December 19, 2012

Disclaimer


This page and all its area and services like my blogs and pictures [if there are any] are provided to you by the author, and you're viewing it on your own choice, so leave it "as is". I will do my very best to maintain this page with the help of this site, but this site is not responsible for the contents of any posting made by me nor the comments of some users nor the results of any defects that may be found to exist at this page, or other such consequential damages [like moral degradation or ensuing psychological deficiency] that may result from such defects.

You should "not" assume that this page and the user itself is "error-free" [i am flattered though] or that it will be suitable for the particular purpose that you have in mind when using/reading/mocking it, whether you're bored or extremely bored. Either of the two is acceptable.

My page is not setup to link you to any porn sites or such related sites, nor give you slightest information about this facts. Furthermore because I have no sole control over this page and all the information injected in here, therefore I make no guaranties as to the comments, blogs, shoutouts & postings or even slightest information included on this page as to what is included on them such as:

  • The accuracy, currency, content, or quality of any information.
  • Whether this information or link may locate unintended and objectionable content.
So, if you are a person under the age of majority specified by law (18 to 21 years, depending on the country/state/barrio), you may leave this page because some of the content on this page may consists of material that is adult-oriented or otherwise objectionable to some people especially to young ones, as well as this page may automatically and unintentionally link you to information and/or references to objectionable material.

The author can make claim that such surprises never occur.