Wednesday, January 2, 2013

Sabay Nating Abutin Ang Langit


Maraming salamat kaibigan (wickedmouth) sa paglathala ng hilaw at maiksing version ng blog ko (Sabay Nating Abutin Ang Langit) sa iyong page. Nakakaaliw yung mga comments. Dami mong followers ah. Yung level mo parekoy, lagpas na sa height mo! LOL. Anyway, ito na yung medyo mahabang version nong blog though di pa rin sya kumpleto. Sana magustuhan mo.



Bago basahin ang artikulong ito, gusto ko lang magbigay ng maiksing "disclaimer" na ang mga nakasulat dito ay hindi gabay upang  maging maayos ang kasalukuyang estado ng iyong sekswal na buhay kung meron man itong pinagdaraanan. Gusto ko lang mapag-usapan ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi lahat ay nakararating sa dapat patunguhan (bago, habang at pagkatapos ng ganap). Ito'y bunga lamang ng naiinip ng malayang kaisipan habang nganga sa trabaho. Kung isa sa mga nabanggit dito ay nakagawian mo na at malamang ay kinagigiliwan, mag isip isip (ng isa, dalawa, tatlo), iwasan o baguhin ang pamamaraan...paraan na harinawa'y di mo makikita sa listahang ito.

Patok ang 50 Shades of Grey. Di ko maisip kung bakit kasi salungat ito sa nasasaad sa kasalukuyang statistics na 80% ng kababaihan ay pinepeke ang orgasm during intercourse. "Ows?" Di ka makapaniwala Kuya? Masaklap pero totoo. Nagtanong tanong ako sa aking mga kaibigan, kakilala at syempre base na rin sa sarili kong karanasan, (though, din naman sya ganun kalawak) kung bakit nga ba nangyayari ito at narito ang ilan sa mga nakalap kong kadahilanan.


CINDERELLA STORY.
Ito yung akala mo may curfew at may hinahabol na deadline si Kuya. Madalian. Mabilisan. Daglian. Kuya, ang lahat ng bagay ay may angkop na proseso at kung di pa nasabi sayo, ang  halik o paghahalikan ang syang panimulang hakbang upang maikondisyon ko ang aking sarili. Pero kung parang si Cinderella ay may hinahabol kang oras, gawin ang ganap kung maluwag na ang schedule. Handa akong mag-adjust!

BLOWING BUBBLES.
Aminin mo Kuya, napanood mo ang eksenang ito sa mga porn movies di ba? Ang eksena, hinihipan ng lalaki yung tenga ng babae at yung babae humalinghing na parang natadyakan ng kabayo sa panga. Tapos feeling mo, swak din sa totoong buhay. Pwede nga naman, pero may malaking kaibahan ang pag-ihip ng hangin na nakaka-eksayt versus pagbuga ng hangin na parang nagpapatay ng kandila sa cake tuwing bertdey mo. Ikakawarak ito ng eardrums ko!

HINDI PAG-AAHIT.
Okay lang kung hindi nakapag-ahit pero para namang nananadya, walang humpay ka kung makakiskis. Walang nakakatuwa sa itsura kong animo’y na-higad.

PAG-IBABAW NG SAMPUNG TAON.
Okay lang na ako yung nasa ibabaw. Pero ang hindi okay, yung tipong kung kabayo lang sinakyan ko, halos nagalugad ko na ang Calabarzon at Tagum (back and forth) pero ayaw mo pa din akong patigilin. Habang ikaw Kuya ay maginhawang nakatihaya at umaalulong. Sa mga ganitong pagkakataon, kapag napansin mong halos nagkukukulay asul na ako sa ibabaw mo, magkusang tumulong. At higit sa lahat, bigyan ako ng chance na huminga.

PAGPISIL.
Nakakaeksayt magpahimas ng dibdib pero hindi kailanman kung sobrang higpit. Yung iba kasi parang naghahanap ng balumbalunan at apdo. Kuya, konting konti nalang, makakalas na nipples ko.

DODING DAGA.
Bakit nga ba masyadong attached ang mga lalaki sa nipples ng mga babae? Parang gusto pa atang higupin kaluluwa ko sa pamamagitan ng pagsipsip sa nipples. Minsan, parang si Doding daga, may gatngat pang kasama. Kuya, ang nipples ay hindi dinisenyo para isiksik sa iyong gums at nguyain.

PAGPIHIT.
Hindi din nakakatuwa yung pinipihit-pihit yung nipples na parang naghahanap ng matinong istasyon ng radyo sa isang masukal at magubat na lugar.

PAGDAGAN.
In general Kuya, mas mabigat ka kesa sakin, kaya huwag basta basta pumatong na walang suporta. Ikalalagot ko yun ng hininga.

CURACHA (Ang babaeng walang pahinga).
Ang ganap na walang humpay ay sa pelikula lamang nakakaaliw panoorin. Sa pelikula kasi, may tinatawag na cut at edit. Kaya kung napapanood mo man ito ng tuloy tuloy, malamang sa malamang tatlong buwan nila itong shinoot. Huwag mong isummarize ng tatlong oras sa totoong buhay. May mga salitang nailathala katulad ng pagkangalay, pagkapagod, panghihina, paghingal at paglupaypay. Bigyan kami ng karapatang magpahinga.

HUWAG KUMUHA NG IDEYA SA PORN MOVIES.
Malaki ang kaibahan ng nakikita mo sa x-rated movies kumpara sa kasalukuyang ganap. Sa x-rated movies kasi, tila patok sa babae kapag binubuhos sa kanila ang sukdulan ni Kuya. Pero sa totoong buhay, yung mga dagdag labahin lang ang naiisip ko kapag ginagawa mo yan.

POSISYON.
Huwag ipagpilitan yung pwestong gusto mo na parang may advance lesson ako ng gymnastics. Yang pwestong gusto mo, ikahihiwalay yan ng hipbone ko at ikadudurog ng cartilage ko.

MARKADO.
Okay lang ang sipsipan during the deed. Nakakaaliw at some point, kung mahinahon ang pagkakagawa. Uulitin ko, MAHINAHON. Kasi, wala ng nakakahiya pa kung 1 week akong naka-turtleneck habang nakadeclare ang El Niño sa bansa.

MUNTING SORPRESA.
Surprise.....gamit na condom!!!  Hala naman, ginamit mo, itapon mo.

BREAK TIME.
Sobrang laki ng pagkakaiba natin pagdating sa ganap. Okay lang sayo ang maistorbo. Kung may narinig kang nagpapa-ending, tayo ka, taya ng ending tapos itutuloy mo pa din ang mga bagay bagay kung saang parte ka man nagpagambala. Habang ako (or kaming mga babae in general), once na nadistract, bumubulusok pabalik sa step 1. Kaya Kuya, tiyakin na ang konsentrasyon ko buong buong nasa iyo at wala sa bill ng Meralco.

HUBARAN NG MAAYOS.
Ayaw na ayaw ko yung nagmumukhang tanga sa harap ng iba. Pero mas may tatanga pa ba sa itsura ng na-stuck na blouse sa pagitan ng aking ulo at sa nakataas na mga kamay habang wala nang saplot ang pang-ibaba? Iwasang magmukhang tanga. Maghubaran tayo ng maayos.

ITULAK AT HILAHIN.
Paghimas at pagkapa habang suot ang panty…thumbs up! Paghila, paghiklat at paghatak ng panty habang suot suot ko ito…thumbs down! Gasgas po at pamamaga ng pechay ang katumbas nito.

PAGHAMPAS.
Iwasan mong ihampas ng malakas ang iyong triangular hipbones sa aking marupok na katawan kapag naeeksayt. Pwede itong ikadurog ng aking sternum, ribs, pelvis, sacrum, femur, carpals, fibula, clavicle o tibia. In short, ilang araw akong paika-ika sa inarte mong ganyan.

MASAHE.
Ang masahe ay nakaka-relaks at nakakapagkondisyon ng sarili. Sa pagmamasahe, pag gamit ang kamay at daliri, ang tawag dun foreplay. Pag gamit ang mga siko at tuhod, ang tawag dun krimen.

INGAY.
Sa kasalukuyan, aabot sa 105,435 ang populasyon ng ating barangay. Huwag mo nang subukang ipaalam sa kanila kung anuman ang ginagawa natin. Iwasan ang pag-ungol na parang nakamegaphone.

MARATHON MAN.
Hindi kailanman nakaka-Derek Ramsay yung pagmatagalang paghahump at hindi pagkaclimax sa tamang panahon. Ito ay pagpapahiwatig ng isang manhid na pechay. Magsabit ng nakakaaliw at kakaibang mga paintings sa kisame at dingding ng may pagkaabalahan ako sa susunod na maisipan mong mag-Marathon.

DIRTY TALK.
Tigilan mo yang pagmumura, papatulan kita!

LASTIKMAN.
Kandabuhol ang pangbaba kong suot sa kamay at mga daliri mo. Iwasang maging agresibo kung di naman praktisado.

PAGNGUDNGOD.
Kung meron gustong ipagawa, kausapin ako ng mahinahon at maayos. Iwasan ang pagngudngod ng mukha ko dahil laging tumama yung titi mo sa eyeball ko. Tatlong ngudngod nalang, magpapa-LASIK na ko sa American Eye Institute at nakakahiya pag naitanong kung anong ikinabulag ko.

HUWAG MAGTANONG.
Magconcentrate sa ginagawa. Tantanan ang pagtatanong kung ok ba ako at kung ano ang nararamdaman ko. Maggiguest ako sa OPRAH kung gusto kong maglabas ng saloobin.

ARTSY.
Paganahin ang imahinasyon.  Aliw din na minsan artsy yung trip natin. Swak gamitin yung honey, gulay, yelo, balahibo at prutas. Pero wag na wag ang durian, latigo, apoy, hot wax, watusi, mga insekto, ahas, permanent dye, karayom at kung anu ano pang sharp objects.

HUWAG SUMIGAW.
Huwag mo kong sigawan na para bang may training tayo ng ROTC. Napalitan na sya ng NSTP.


Mahaba na pala yung listahan ko at madami dami na din tong tips ko. Baka iniisip nyo, ganito din ba kadami at kahaba ang karanasan ng babaeng ito? On the contrary, konting konti lang. At dahil nga bilang lang, tandang tanda ko ang bawat eksena.

Huwag kalimutang mag-iwan ng komento.

Hanggang sa muli.

41 comments:

  1. Kaya ka di nakakantot eh. Dami mo requirements LOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano ka ba. Di ko naman nirerequire. Napag-uusapan lang. =)

      Delete
    2. OMG Glentot, nakakatawa yung word na "k" na ginamit mo

      Delete
    3. Naku ayaw ni "Anonymous January 4, 2013 4:45 AM" ng ganyang word. Tsk.

      Delete
  2. hihihihi nabuhay ang dugo ko sa post na ito..salamat kay Glentot at syempre sayo Misyel,hihihi

    ReplyDelete
  3. Tama. Huwag feeling pornstar. Hindi dapat i-apply sa buhay ang napapanuod sa porn movies.

    ReplyDelete
  4. misyel...dapat ipakilala ko sau si peter north...maiiba ang perspeksypon mo sa buhay! hahahaha.

    very straight forward and honest blog, in fairview. saktong sakto sa mga kababaihan na naging biktima in one way or the other ni Kuya na feeling porn star. hahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sino si Peter North? LOL! Na kyuryos naman ako bigla. Eeeehh.

      Delete
    2. pornstar din si peter north :D

      Delete
    3. Ay ganun ba? Bakit di ko sya kilala?

      Delete
  5. Replies
    1. Aym shur...hindi ka naka-relate. Ramdam ko.

      Delete
    2. hoy....wag akong maliitin... alam mo yan!!! minsan na akong tumikim at d ko nagustuhan...don't dare me!!! baka matira kita ng walang patumpik-tumpik!

      Delete
    3. Naku Senyor Iskwater, never kitang....mamaliitin. Alam mo kung bakit. Ahahahhaha!

      Delete
  6. since ito lang naman ang may kabuluhang article sa blog mong inspired ng mga sanitary napkins at feminine wash ang background at layout, dito na lng din ako magcocomment. Alam ko ng lahat to eh! Wala bang bagong tip?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bigyan kita bagong tip pag meron ka ng kakantutin. Balik ka ha... =)

      Delete
    2. at ikaw pa tlaga ang nagsasabing kung meron na kong kakantutin? kelan ka ba huling nakantot? LOL!

      Delete
    3. ikaw lagi ang topic kasi ikaw ang blogger. ganon yun kahit itanong mo pa kay Glentot!

      Delete
    4. ikaw na topic! moving forward. so sagutin mo ang tanong ko! Nyahaha

      Delete
    5. Aling tanong. Bagong tip or kung kelan ako huling nakantot? Blah.

      Delete
    6. kelan ka huling nakantot!

      Delete
    7. Bakit gusto mong malaman? Balak mo bang iupdate? LOL!

      Delete
    8. uyy ayaw sagutin may hiya factor na. Hahaha

      Delete
    9. Huwaw ha. SA yo pa ba ako mahihiya! Nong New Year lang. Swerte daw kasi magpakantot yung papasok ang bagong taon.

      Delete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano to bakit removed?

      Delete
    2. Nagkamali ako ng post. Dapat pala reply dun sa taas na post. Tsaka wala kang pakialam.

      Delete
  8. lol! katuwa naman..... naaliw naman ako dito hehehe

    astig din ang picture hehehe

    ReplyDelete
  9. ndi ako makapaniwala na sa lahat ng magsusulat ng ganitong e ikaw pa. pero ndi ako maka get over sa "pagngudngod" at "artsy" super dami kong tawa. More...more...more...sana me tips din for different colors and different sizes :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anuto mga flag ng United Nation? Kung maka different color and sizes ka naman. =)

      Delete
  10. Aliw! Winner sa topic, sa pagkakasulat at sa paglalapastangan nyo sa mga comments... MORE!

    ReplyDelete
  11. Bakit parang sa napakaigsing experience mo ay madami kang comments? Hmmmm.. try mo kasi in real life...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yon nga news year's resolution ko this 2013. Madagdagan experience ko ng madagdagan din maisulat ko. Ready ka na ba?

      Delete
  12. Haha laftrep ako dito... more, please??? Promise, imma gonna be a good guuy :D

    ReplyDelete
  13. May full version na pala. ngayon ko lang nakita to ah! ahahaha

    ReplyDelete
  14. magdagdag ka na din tungkol sa threesome. LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Saka na mars pag natry ko na.
      Update kita.

      Delete