Thursday, January 17, 2013

HOLDAP



Napakataas ng crime rate dito sa Pinas. Pinakamalala ay ang holdap.
Di na ako magbibigay ng statistics since hindi naman yun ang kabuuan ng topic na to.

Yung mga tao daw kasi dito satin, laid back. Ibig sabihin, walang gawa. Nganga. Bored.
So, yung ibang gustong magpaka-busy, gumagawa nalang ng krimen, since wala namang naiooffer na trabaho sa kanila, gustuhin man nilang isama yun sa kanilang mga option.
Sad to say, isa ako sa napagkabusyhan nila.
Ewan ko ba. Lapitin ako ng ganitong klaseng disgrasya.
Dahil ba sa ako'y babae? Makinis? Busilak? Maganda? Mahina?

Sabi ko nga sa katrabaho ko, dalawang bagay lang ang dahilan kung bakit ka mahoholdap, either dahil mukha kang mayaman or mukha kang tanga.
So, kung naholdap ka na, manalamin at tanungin ang sarili "Alin ako sa dalawa?"

Anyway, share ko lang yung pinakamalalang holdap na napagdaanan ko.
Dahil sa ginamit ko ang salitang "pinakamalala", imaginin nyo na lang kung gaano na kadaming holdapan ang naranasan ko.
Huwag mo ng itanong kung "Alin ako sa dalawa?". Huwag epal.

Kung sinuman ang nakatira sa inyo sa may Aurora Blvd, malapit sa Gilmore, ibayong pag-iingat sapagkat dun ako malalang naholdap.
Mabilis ang mga pangyayari. Mas mabilis pa sa pagkawala ng virginity ko.

Nagwithdraw ako sa ATM ng iBank (now Unionbank) mga alas nuwebe ng gabi bago pumasok ng trabaho since ito ang pinakamalapit na iBank sa bahay namin.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng ATM booth ay bigla akong inakbayan ng dalawang matitipunong lalaki.
Sa isip-isip ko, "Syet! this is my lucky day!"
Pero nawala ang napakatamis kong ngiti ng pumuwesto sa likod ko ang isa at nagdeklara ng holdap.
"Huwag ka ng pumalag, holdap to." Ansabee.
Habang mabusising kinakapkapan naman ng isa ang katawang lupa ko.
Kapa sa harap, pababa. Kapa sa tshirt. Kapa sa short. Sa likod. Tapos pababa ulit.
Kung pwede lang humalinghing, kung hindi lang sana nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko.

Kahit gaano pa kadaming libro ang mabasa mo at mga seminar na mapuntahan mo tungkol sa tamang reaksyon sa gitna ng sakuna at krimen, ang mananaig pa ding reaksyon ay depende sa personalidad mo.

At dahil ako'y isang mayumi at dalagang Filipina, lumabas ang natural na reaksyon ko, nakipag-umbagan at nakipagtalakan ako!
Ito ang mga katagang nasabi ko sa kanila. Or to that effect. 
Anuba!!! Huwag nyo kong holdapin!  or Huwag ako ang holdapin nyo!
Ang lalaki ng katawan nyo, mga lalaki pa man din kayo...tapos hoholdapin nyo ang isang babaeng petite at mahinang katulad ko?
Tatandaan ko ang mga mukha nyo! Ipapa-IMBESTIGADOR ko kayo.
Pulis tatay ko. At may mga kamag-anak akong NBI. Mahuhuli kayo!

Nang mapagod ako sa katatalak, sinubukan kong magpakahinahon at makiusap.
Naku naman Kuya, hiniram ko lang din ang cellphone na yan, sim card lang sakin dyan, kaya kung gusto mo sim card nalang kunin mo.
Kuya maawa kayo, may cancer ako, pampagamot ko ang perang yan.
Si Kuya napatingin lang na may halong "weh?" nong sinabi kong may cancer ako, dahil nga naman mas malusog pa ako sa healthy. In short, hindi ako payat.

Nakipag-agawan at nakipagbalyahan ako sa pouch kong singlaki ng maleta.
At dun ko naramdamang may kumalabit sa internal organs ko.
Not once. But thrice!!!
Wala akong naramdaman na kakaiba so tuloy-tuloy lang ang balyahan.

Next scene, nakita ko nalang silang papalayo at kalmadong naglalakad though mas mabilis sa normal na lakad pero hindi naman tumatakbo.
Hindi ako nagpatalo, hinabol ko din sila. Habang patuloy pa rin akong tumatalak.
Ibalik nyo yang bag ko sa akin!
Namumukhaan ko kayo!
Magkakaprobinsya tayo, wag naman ako ang  kataluhin nyo!

Unti-unti, nahirapan akong habulin sila dahil madulas ang tsinelas ko.
Wait a minute! Bakit madulas ang tsinelas ko? At bakit sya basa? Naihi ba ako sa kaba at galit?
Napatingin ako sa tsinelas ko. Dugo. Napadaming dugo!
Napasigaw ako sa dalawang lalaking nasa unahan kong naglalakad.
HALA! Sinaksak nyo ako?!? HOY! Bakit nyo ako sinaksak??

Ampucha! Sinaksak pala ako ng ice pick sa likod ng hindi ko man lang namamalayan.
Not once. But thrice!!!
Ouchieeee!!!
Napalingon ako sa damit ko. Punong puno din ito ng dugo.
Saka lang ako nanghina at natakot na baka balikan ako at saksakin sa gums this time since andami kong pinagsasabi.


MAY KARUGTONG PA.

13 comments:

  1. Yippiee sa wakas ipinost mo na ito. At may pasuspense pang pag-continuation. Kelan mo ipopost, sa Q3?

    Kahit alam ko na ang kasunod nito naeexcite pa rin ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang haba kasi. Boring kung isahang post lang. Baka maghilik ka.

      Delete
    2. Tangina patapos na ang Q3 wala pa rin ang continuation!

      Delete
  2. 0_0 nasasaksak ka po talaga? (paulit-ulit lang) hindi ko pa naranasan ma-holdap at nakakatakot...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes...true to life sya na kwento. Years ago pa pero masayang balik balikan ang mga pangyayari. Parang childhood lang.

      Delete
  3. maganda at nakakatuwa... ang galing ng comical timing at sobrang fluid ng succession.

    slow clap...

    ReplyDelete
  4. Grabe, talagang nakafocus lang yung attention mo sa dalawang maskuladong hinahabol mo at hindi mo namalayan na duguan ka na. Kakatakot. -_-

    ReplyDelete
  5. Sana sinundot nyu ung mata ng isng holdper... at least nkaganti keo xD

    ReplyDelete
    Replies
    1. So instead na tatlong saksak...labingtatlo sana saksak sana natamo ko. Bright idea ka ha! =)

      Delete
  6. Nasak sak ka! Kawawa naman. sooooooo: "Alin ako sa dalawa?"

    Haha

    ReplyDelete
  7. katapang mo naman...ako ang natatakot para sa iyo hehehe

    ReplyDelete